Hire
Writers
Editors
Home Tour About Read What's New Help Forums Join
My Account Login
Shop
Save
Support
E
Book
Store
Learn
About
Jesus
  



The HOME for Christian writers! The Home for Christian Writers!



 
Christian Living PLEASE ENCOURAGE THE AUTHOR BY COMMENTING

  LEAVE COMMENT ON ARTICLE   SEND A PRIVATE MESSAGE
  HIRE THIS WRITER
REPORT ARTICLE

 TRACK THIS AUTHOR ADD TO MY FAVORITES
corner
What's New
 
corner
 
Viva San Isidro
by Vladimir Rom Matias, LLB
05/15/11
Not For Sale
Author requests article critique


  Mail
 





Ngayong araw na ito, ika-15 ng Mayo 2011, ipinagdiriwang hindi lang ang ika-881 na anibersaryo ng pagkamatay ng isang Kastilang magsasaka kundi pati na rin ang kanyang kapistahan bilang santo at patron ng mga magsasaka at mga trabahador sa parang at bukid. Siyempre, ang tinutukoy ko ay walang iba kundi ang mahal na patron ng aming bayan ng Claveria, Masbate na si San Isidro/Ysidro Labrador na nagmula pa sa Madrid, Kaharian ng Castilla (na ngayon ay Kaharian ng Espanya).

Ayon sa Kasaysayan, si Ginoong (G.) Ysidro, bago pumasok sa kanyang trabaho sa bukid ay pumupunta muna sa simbahan para magsimba at magpasalamat sa araw-araw na grasya. Dahilan kung bakit ang kanyang mga kapwa magsasaka ay nagtataka kung bakit siya ay palaging nahuhuli sa pagpasok sa trabaho. Napagkasunduan ng kanyang mga kasamahan na mag-imbestiga, ngunit sa di-inaasahang pagkakataon, napag-alaman nila na tinutulungan ng mga anghel si G. Ysidro sa pagbubungkal ng lupa. Dahil sa mga anghel, mas mabilis natatapos ni G. Ysidro ang kanyang trabaho sa bukid na pag-aari ng isang mayamang aristokrato na si G. Juan de Vargas. Dalawa sa mga himalang ginawa ni G Ysidro ay (a) noong siya’s nabubuhay pa ay muli niyang binuhay ang patay na anak na babae ni G. Juan de Vargas at (b) ang paggaling ni Haring Felipe III ng Espanya mula sa nakamamatay na sakit noong minsan hinawakan ng hari ang rebulto ni G Ysidro.

Para sa aming mga taga-Claveria, mahalaga na pahalagahan ang araw na ito dahil ang bayan ng Claveria, Masbate ay isang komunidad na ang pangunahing hanapbuhay ay agrikultura at pagsasaka. Taun-taon, maraming mga panganib o kamalasan ang kadalasang hinaharap ng mga magsasaka, kabilang na ang aking tatay. Andyan yung pag-atake ng mga daga para ngatngatin ang mga binhi ng palay at ang malalakas at mapaminsalang mga bagyo at baha.

Sa aming pagpupugay sa kadakilaan ni G Ysidro, nais namin palagi na magkaroon ng masaganang ani, mas maraming kita sa pag-aalaga ng mga babuyan, manukan, bakahan at kung anu-ano pang negosyo ukol sa mga alagang hayop. Bagamat di na mawawala o maiiwasan ang paghagupit ng mga bagyo, ipinapanalangin namin na sana kaunti lang ang dulot nitong kapinsalaan. Sa mga hindi pinalad na makarami ang ani noong nakalipas na taon, sana swertihin tayo ngayon sa pamamagitan ng paggabay ni G. Ysidro.

Base sa lupang nasasakupan, ang Bayan ng Claveria, kung susuriing mabuti, ay mas malaki pa keysa sa mga mayayamang bansa ng Singapore at Hongkong at sa mga kaharian ng Monaco at Leichstenstein sa Europa. Mahaba-haba pa ang ating lalakbayin para mapantayan ang estado ng pamumuhay sa mga nasabing lugar. Ngunit di pa huli ang lahat. Simulan natin ang unang hakbang; “one step at a time” ika nga.

Ang Claveria ay isang napakagandang paraiso, at mas lalo tayong mahahalina sa kanyang ganda kung mas darami pa ang mga sementadong daan na magdurugtong sa mga barangay. Ito ay para dumami ang mga farm-to-market roads kung saan ang ating mga magsasaka at mga mangangalakal ay kumbenyenteng mailalako at maibebenta ang kanilang mga kalakal at paninda. Ang mga daan ding ito ay siyang maglalapit sa puso ng mga turista ang mga walang kapantay sa ganda na mga beaches ng Claveria lalong –lalo na ang nakamamanghang Puting Isla at ang nakabibighaning Playa de San Ysidro.

Maraming salamat sa mga opisyales ng aming bayan lalong-lalo na sa aming mahal na Alkalde na si G. Eduardo Andueza sa kanilang patuloy na pagpapaganda ng mga kalye at iba pang pasilidad, pagpapa-ayos ng mga daungan at pagpapalago ng mga negosyo. May isa pa akong hiling kay G. Ysidro, sana mas lalo umigting ang pagtutulungan at pagkakaisa ng aking mga kababayan para sa kaunlaran. Isantabi muna ang mga personal na alitan at umiwas sa mga sigalot at bangayan. Kagaya ng mga tingting na kapag pinagbuklod ay maraming pakinabang, mas marami tayong magagawa kapag iisa ang diwa o adhikain. Makiisa po tayo sa mga proyekto para sa pagpapa-unlad ng ating bayan.


Maligayang Kapistahan, San Ysidro !!!!!

Maligayang Pista, Claveria!!!!!





(Para sa inyong mga komento o suhestiyon, ie-mail ang may-akada sa valentino200720@gmail.com o baldomeromatias@gmail.com. Salamat po.)

If you died today, are you absolutely certain that you would go to heaven? You can be! TRUST JESUS NOW

Read more articles by Vladimir Rom Matias, LLB or search for articles on the same topic or others.


Read More - Free Reprints, Main Site Articles, Most Read Articles or highly acclaimed Challenge Articles. Read Great New Release Christian Books for FREE in our Free Reads for Reviews Program. Christian writers can JOIN US at FaithWriters for Free. Grow as a Writer and help spread the Gospel.


The opinions expressed by authors do not necessarily reflect the opinion of FaithWriters.com.

Hire a Christian Writer, Christian Writer Wanted, Christian Writer Needed, Christian Content Needed
Find a Christian Editor, Hire a Christian Editor, Christian Editor, Find a Christian Writer
 
corner
Corner
This article has been read 510 times     < Previous | Next >


Member Comments
Member Date




TRUST JESUS TODAY











Free Audio Bible
500 Plus Languages
Faith Comes By Hearing.com