Hire
Writers
Editors
Home Tour About Read What's New Help Forums Join
My Account Login
Shop
Save
Support
E
Book
Store
Learn
About
Jesus
  

Four Ways For A Christian Writer To Win A Publishing Package HERE



The HOME for Christian writers! The Home for Christian Writers!



 
Children PLEASE ENCOURAGE THE AUTHOR BY COMMENTING

  LEAVE COMMENT ON ARTICLE   SEND A PRIVATE MESSAGE
  HIRE THIS WRITER
REPORT ARTICLE

 TRACK THIS AUTHOR ADD TO MY FAVORITES
corner
What's New
 
corner
 
Mga Di Makalilimutang Alaala sa Claveria Central School
by Vladimir Rom Matias, LLB
02/04/11
Not For Sale
Author requests article critique


  Mail
 





1. MGA PUNO NG MANGGA. Sa isang eskwelahan na napapalamutian ng mga nagtataasang mga puno ng mangga, hindi na maiiwasan sa isang mag-aaral na matukso sa mga katakam-takam na bunga ng mga ito. Kaya, tama ang iyong hinala: isa ako sa mga mapangahas na umakyat sa mga puno at nakipagbunong- braso sa mga antik o mga higanteng langgam hindi lang dahil sa masarap na mga bunga kundi dahil na rin sa kuryusidad na makaabot sa taas ng mga puno. Kung sila'y bibilangin lahat, aabot ang bilang ng mga puno lagpas sa 40, at noong ako'y nag-aaral pa dito, inisa-isa kong tikman ang bunga ng bawat puno. Ang aking sentensiya: ang may pinakamasarap na bunga ay yung nasa likod ng stage, yung nasa tapat ng dating room ni Gng. Teves, yung titser ko sa Grade 4. Ang sabi pa sa akin ni Janice Raymundo, isa sa mga kaklase ko, makakalimutan ko daw ang lahat pag natikman ko ang bunga nito. Masarap nga pero di ko naman nakalimutan ang lahat. Ang nakalimuitan ko lang, time na pala, at late na ako sa klase ni Ma'am Teves. Oops, takbo na! (PAALALA sa mga bata: huwag nang gagayahin ang aking ginawang pag-akyat sa mga puno baka mahulog lang kayo.)

2. MGA AHAS. Sa simula't simula pa lang ng pagpasok ko bilang mag-aaral ng Central ay nandun palagi ang walang kamatayang kwento ng mga ahas na pursigido ding makapag-aral kahit di sila welcome sa loob ng silid-aralan. Di ko makalilimutan ang berdeng ahas na si Greenie na tumulay-tulay pa sa may ABAKADA habang nagtuturo si Gng. Isidora Relleno, guro ko sa Grade 3. Sabi pa ni Greenie, "Hello there. This is Greenie, the most intelligent rattlesnake from the Dark Chambers (ito yung kamposanto). Can I sit-in for today's lessons?" Mukha mo, Greenie!!! At dahil ayaw namin ng kaklaseng ahas, agad na namin pinagtulungang idispatsa si Greenie. (Pasintabi po sa mga animal rights activists, wala po kami intensiyon lipulin lahat ng ahas, iniligtas lang naman ang aming mga sarili sa tiyak na kapahamakan.) Sa anim na taon kong inilagi sa Central, maraming mga naging biktima ng mga ahas. May mga namatay pa nga; may napuruhan ng cobra: ang akala ni Nanay, simpleng nauuhaw lang ang kanyang anak at binigyan niya ito ng softdrink, huli na nang malaman niyang natuklaw na pala ito. (Nakikidalamhati po kami sa inyo, Nay) Hindi nakapagtatakang maraming ahas ang pumapasok sa loob ng mga silid-aralan lalo na niyugan ang timog ng paaralan, bayabasan ang timog-silangan, sementeryo ang silangan, maisan ang hilaga at halamanan ang kanluran.

3. MGA MULTO. Ang lupang kinatitirikan ng aking paaralan ay dating bahagi ng malaking sementeryo na tinapyasan para gawing eskwelahan; kaya di naman nakapagtataka na may mga ligaw na kaluluwa na animo'y gusto din makapag-aral, at nagpapakita at nagpaparamdam dito, lalo na sa dapithapon. Nariyan yung nasubukan kong maglakad ng mag-isa ng mga bandang alas sais ng gabi sa may principal office, tapos biglang akong may naamoy na patay na kandila sa tabing-tabi ko lang samantalang wala naman ibang tao sa paligid. O kaya naman yung ligaw na anino na namamahay malapit dun sa may Grade 2 classroom ni Gng. M. Hermosa, sa may slide. Ang akala ng kaibigan ko, yung anino nya lang ang kasama niya sa pamamasyal sa gabi, pero bakit may isa pang anino ang sumusunod sa kanya, gayung mag-isa lang siya. (Paalaala ulit sa mga batang nag-aaral ngayon sa Central: wala na ang mga multong ito kasi matagal na namin silang pinaalis, overstaying na kasi. Lumipat na sila dun sa Rizal Park.)

4. MGA PABORITONG LARO. Wala pang telebisyon at kuryente nun sa Claveria, kaya pagkatapos ng klase, di pa kami umuuwi ng bahay kasi naglalaro pa kami ng kung anu-ano katulad ng patintero, shatong, Chinese garter, takbuhan, step-in-step-out, jackstone at tsinelas. Di na maiiwasan ang mga kalarong madaling mapikon at nagsusumbong pa sa kanilang mga magulang at mga kapatid tungkol sa kanilang di-matanggap na pagkatalo. Meron pa ngang nanugod sa loob mismo ng silid-aralan, at inaamin ko isa ako dun sa mga sinugod. (Kawawa naman ako.) Pinagbantaan ako ng nakakatandang kapatid ng aking kalaro na may mangyayaring masama sa akin kapag pinagpatuloy namin ang ganung sitwasyon. Pero siyempre, ito ay kwento nung mga bata pa kami; ngayon, magkakaibigan na ulit. Siguro, ang di ko makakalimutang laro nung nasa elementarya pa ako ay ang patintero kung saan naglalaro kami nga maramihan at kadalasan naming kalaro nung akoy's nasa Grade 3 ay yung mga Grade 4 pupils. Palaging talunan ang team ko. Madadaya kasi ang mga kalaban naming Grade 4.

5. AGRICULTURE CLASS ni G. Pedro Amado. Ang batch ko sa Central ay ang kahuli-hulihang tinuruan ni yumaong G Pedro Amado ng pag-aalaga, pagtatanim at pagpapalago ng mga farm products katulad ng pechay, radish, ampalaya, beans at iba pa. Nakatutuwang isipin na kung hindi kami naglalaro pagkatapos ng klase ay nandun kami sa mga plot para diligan ang mga pechay na amin ding hinaharvest at inuuwi para pang-ulam. Noong Grade 5 kami, mahigit isang oras ang aming inilalagi sa mga plots para patabain ang lupa, lagyan ng fertilizer, at magkwentuhan. Hindi na rin maiiwasang magpagandahan ng mga plot at magpatalbugan sa pag-aalaga ng mga gulay. Eksperto sa pag-aagrikultura ng mga halaman si Sir Amado; kaya nung pumanaw siya, pumanaw na rin ang mga plots at mga halaman. At dahil na rin sa pagbabago sa Curriculum na nagbibigay-diin sa pag-aaral ng Agham At Matematika, nabalewala ang pag-aagrikultura at ang mga dating kinalalagyan ng mga plots ay tinayuan ng mga bagong Science building at kung anu-ano pa.

6. PABORITONG TITSER. Alam nyo ba na nung ako'y nag-aaral pa sa Central, mahigit 50% ng aking mga kamag-aaral ay may favorite teacher: siya ay walang iba kundi si Gng. Fe Montenegro, Grade 1 teacher. Kasi, hindi lang siya magaling, mabait at may-dedikasyon magturo, "complete package" siya. Bawal ang tatamad-tamad mag-aral sa kanya, kasi kung sasabihin mong ayaw mong pumasok kasi wala kang lapis at papel, puwes, bibigyan ka niya ng lapis at papel para matuto ka. Kaya, kung ikaw ay mag-aaral niya, ikaw na rin mismo ang mahihiya sa sarili mo kung di ka papasok. Bawat taon, marami ang gusto magpalista sa klase niya pero dahil may limit ang bilang ng mag-aaral sa isang section, yung iba ay napupunta sa ibang guro. May mga kumontra sa aking artikulo na "The Best Grade School Teacher in Town" dahil hindi si Ma'am Montenegro ang tinutukoy ko dun kundi ang Science teacher ko sa Grade 5. Ang dahilan: iba kasi ang aking pinagbasehan. Pero maraming magagaling na titser sa Central nung ako'y nag-aaral pa dito. Isama na sa dalawang nabanggit, ang titser ko sa Filipino Sa Grade 6.

7. PABORITONG MAG-AARAL. Proud ako sa aking mga kaklasmeyts at batchmates sa Central. Apat ang naging Class Valeditorian sa hayskul - isa sa BCI, isa sa BNAHS, dalawa sa labas ng Claveria. Isa sa kanila ay ang kauna-unahang Class Valedictorian sa BNAHS (na ngayon ay TREMNAS) at nagtapos ng Cum laude sa Bicol University. Itago na lang natin siya sa initial na ria. Ria, ipinagmamalaki kita, idolo ka namin, at nandito kami palagi para magbigay ng (moral) support sayo sa abot ng aming makakaya. Batid namin ang hirap na yung pinagdaanan para makatapos ng pag-aaral. Isa kang magandang halimbawa sa mga mahihirap nating kababayan na kahit salat sa buhay, ipinaglaban ang pangarap na makapagtapos sa pag-aaral. Saludo kami sayo, ria.

8. PABORITONG Subject. RECESS, hindi naman talaga pero mahirap ang buhay pag walang RECESS. English? Di rin. Kanya-kanyang paborito yan. Ang pinakapaborito ko sa lahat ay MATH--ang suject na kinaiinisan ng karamihan. Ang pinakamagaling na Math teacher noon sa CCS ay si Gng. Nena Amado, na pinakamaganda din ang sulat kamay sa blackboard. Kapag nagsusulat siya sa pisara ay para bang siya ay gumagawa ng lettering. Si Ma'am Amado din ang pinakamahusay na English Teacher sa Central noon. Ewan ko ba, masyado ako mahilig sa numbers kaya hanggang hayskul nadala ko ang kabaliwang ito. Kaya, hindi na ako nagtaka nang makuha ko yung Best in Mathematics award nung graduation sa hayskul at akalain mong naka flat 1 (1.0 as Final Grade) sa Math 100--Calculus sa college. Naperfect ko kasi yung Final Exam sa Calculus. YABANG no? Pero, totoo to.

9. EXTRA-CURRICULAR ACTIVITIES. Sabi ni titser, kelangan sumali sa mga extra-curricular activities katulad ng boy scout, DBMC (Drum, Bugle, Melodica Corps), dance contest, palaro at kung anu-ano pa para lang mapasama sa honor roll sa katapusan ng taon. Kaya naman, dahil atat na atat akong maging honor student sumali na rin ako, walang hiya-hiya. Pero, nung tumanda na ako, sabi ng mga psychologist, actually ang purpose ng ganitong mga extra-curricular activities ay madevelop ang different aspects ng personality ng isang mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga activities na ito, yung level of confidence, determination at will power ay tumataas na pwedeng gamitin sa mahihirap na pagsubok sa buhay ng tao. Sa mga activities ding ito, bumababa naman ang level of fear, fright at anxiety. Kumbaga, double- edged sword pala itong mga extra-curricular activities; dapat sumali ang mga bata dito.

10. 1992 CCS COMMENCEMENT EXERCISES. Isa sa mga pinakamagagandang graduation ceremonies na itinanghal sa Central. Simple lang pero elegante. Kagaya ng sinabi ko kanina, apat (4) sa graduates ng batch na ito ay nagtapos na Class Valedictorian sa apat na magkakaibang hayskul. Di katulad sa hayskul na may valedictory at salutatory addresses, sa aming graduation, wala nang mga ganun. Nakakabagot nga lang ang commencent address ng guest speaker; mas maganda sana kung nag-Tagalog na lang siya para mas naintindihan namin ang kanyang message. Dapat meron panukala sa Kongreso na dapat nasa Tagalog ang graduation address ng guest speaker kasi noong mga panahong yun, kaming mga graduates ay di pa magaling mag-English. Pagkatapos ipamahagi ang mga awards, graduation ball na. At ayon sa kasabihan: kung sino ang nagkalat ng mga basura, siya rin ang magpupulot ng mga ito. (Bagong kasabihan ata ito.) Sa sumunod na mga araw, kami na rin ang naglinis ng stage at ground. Bakit, sino pa nga ba?

Yan ang sampu sa di ko makalilimutang alaala sa Claveria Central School, ang aking sintang paaralan. At kahit na ang aking mga naging guro ay nagsipagretiro na o tuluyan nang nagpaalam, masaya pa rin kami kasi noong kaming nag-aaral pa dito, ang Central ay isa sa tatlo sa pinakamagagandang paaralang elementarya sa lalawigan ng Masbate.




(Sa inyong komento o suhestiyon, iemail ang author sa valentino200720@gmail.com o baldomeromatias@gmail.com)


If you died today, are you absolutely certain that you would go to heaven? You can be! TRUST JESUS NOW

Read more articles by Vladimir Rom Matias, LLB or search for articles on the same topic or others.


Read More - Free Reprints, Main Site Articles, Most Read Articles or highly acclaimed Challenge Articles. Read Great New Release Christian Books for FREE in our Free Reads for Reviews Program. Christian writers can JOIN US at FaithWriters for Free. Grow as a Writer and help spread the Gospel.


The opinions expressed by authors do not necessarily reflect the opinion of FaithWriters.com.

Hire a Christian Writer, Christian Writer Wanted, Christian Writer Needed, Christian Content Needed
Find a Christian Editor, Hire a Christian Editor, Christian Editor, Find a Christian Writer
 
corner
Corner
This article has been read 715 times     < Previous | Next >


Member Comments
Member Date




TRUST JESUS TODAY














Free Audio Bible
500 Plus Languages
Faith Comes By Hearing.com